A: Plano ng AHCCCS na magdaos ng maraming sesyon ng impormasyon para sa mga miyembro at tagapag-alaga sa malapit na hinaharap. Mangyaring patuloy na sumangguni sa website ng AHCCCS para sa pinakabagong impormasyon. Hinihikayat din namin kayong mag-subscribe sa listahan ng mga abiso sa email upang makatanggap ng mga updated na impormasyon tungkol sa inisyatibo ng EVV, kabilang ang impormasyon sa outreach at pagsasanay. Ang link para mag-subscribe ay matatagpuan sa website ng AHCCCS.